Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Disyembre 31, 2012. Isinama na rito ang petsa kung kailan tatalakayin sa paaralan ang bawat punto upang magamit sa pagsasaliksik kapag naghahanda bawat linggo.
1. Paano natupad ang hula sa Joel 2:1-10, 28 tungkol sa pagsalakay ng mga insekto? [Nob. 5, w07 10/1 p. 13 par. 1]
2. Kanino natupad ang Amos 8:11, at anong tanong ang dapat nating itanong sa ating sarili, yamang tayo ay nabubuhay sa gitna ng espirituwal na kasaganaan? [Nob. 12, jd p. 60-61 par. 9]
3. Ano ang maaaring dahilan kung bakit naging pangahas ang puso ng mga Edomita, at anong katotohanan ang hindi natin dapat kalimutan? (Ob. 3, 4) [Nob. 19, w07 11/1 p. 14 par. 1]
4. Sa anong paraan nalungkot si Jehova sa kapahamakan na kaniyang ipinahayag na pasasapitin niya sa mga nakatira sa Nineve? (Jon. 3:8, 10) [Nob. 19, w07 11/1 p. 14 par. 14]
5. Paano mapatitibay ng ating paglakad sa pangalan ng Diyos ang ating pakikipagkaibigan sa kaniya? (Mik. 4:5) [Nob. 26, jd p. 88 par. 12]
6. Anong katiyakan ang ibinibigay sa atin ng katuparan ng hula sa Nahum 2:6-10? [Dis. 3, w07 11/15 p. 9 par. 2; w88 2/15 p. 28 par. 7]
7. Ano ang kahulugan ng Hagai 1:6, at anong aral ang dapat nating isapuso? [Dis. 10, w06 4/15 p. 22 par. 12-15]
8. Paano natin maikakapit ang praktikal na payo sa Zacarias 7:10 na ‘huwag tayong magpakana ng kasamaan laban sa isa’t isa’ sa ating mga puso? [Dis. 17, jd p. 113 par. 6; w07 12/1 p. 11 par. 3]
9. Bakit nakaaaliw sa mga mananamba ni Jehova ngayon ang pananalita sa Zacarias 4:6, 7? [Dis. 17, w07 12/1 p. 11 par. 1]
10. Dahil sa binabanggit sa Malakias 3:16, bakit hindi natin dapat pahinain ang ating determinasyon na ingatan ang ating integridad sa Diyos? [Dis. 31, w07 12/15 p. 29 par. 3]