Mga Patalastas
◼ Alok sa Pebrero: Maaaring ialok ang isa sa sumusunod na 32-pahinang mga brosyur: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, Ano ang Layunin ng Buhay? o Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! Kung interesado ang may-bahay, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang isa sa mga brosyur. Kapag dumadalaw-muli, ipakita ang aklat na Itinuturo ng Bibliya at sikaping makapagtatag ng regular na pag-aaral sa Bibliya. Marso at Abril: Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli, ipakita ang aklat na Itinuturo ng Bibliya o, kung mas angkop, ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Mayo at Hunyo: Maaaring ialok ang isa sa sumusunod na mga tract: Si Jehova—Sino Siya?, Sino Talaga ang Nagpupuno sa Sanlibutan?, Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya, o Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? Kung interesado ang may-bahay, itanghal ang isang pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya o ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman.
◼ Sa Pebrero 17, araw ng Linggo, pagkatapos ng Pag-aaral sa Bantayan, magkakaroon ng maikling pagpupulong kasama ang lahat ng may planong mag-auxiliary pioneer sa Marso, Abril, at Mayo. Ang tagapangasiwa sa paglilingkod ang mangangasiwa sa pulong na ito, at titiyakin niyang may sapat na application form para sa lahat.
◼ Ang espesyal na pahayag pangmadla para sa 2013, pagkatapos ng Memoryal, ay pinamagatang “Kamatayan ba ang Wakas ng Lahat?” Gaganapin ito sa linggo ng Abril 1, 2013.
◼ Isang bagong outline ng pahayag ang inihanda para sa Memoryal, at dapat itong gamitin ng lahat ng tagapagsalita sa Memoryal simula sa 2013. Ang pamagat nito ay “Pahalagahan ang Ginawa ni Kristo Para sa Iyo!”