Mga Patalastas
◼ Alok sa Marso at Abril: Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli, ipakita ang aklat na Itinuturo ng Bibliya o, kung mas angkop, ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Mayo at Hunyo: Maaaring ialok ang isa sa sumusunod na mga tract: Si Jehova—Sino Siya?, Sino Talaga ang Nagpupuno sa Sanlibutan?, Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya, o Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? Kung interesado ang may-bahay, itanghal ang isang pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya o ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman.
◼ Ang Memoryal ay idaraos sa Marso 26, 2013, araw ng Martes. Kung ang inyong pulong ay Martes, dapat itong idaos sa ibang araw ng linggong iyon. Kung hindi ito posible at kakanselahin ang Pulong sa Paglilingkod, maaaring baguhin ng koordineytor ng lupon ng matatanda ang iskedyul para maisama sa ibang pulong sa buwang iyon ang mga bahaging partikular nang kapit sa inyong kongregasyon. Kung dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito sa kongregasyon, ang mga pulong na karaniwang idinaraos sa Martes ng gabi ay dapat ilipat sa ibang gabi sa panahon ng dalaw.