Mga Patalastas
◼ Alok sa Mayo at Hunyo: Maaaring ialok ang isa sa sumusunod na mga tract: Si Jehova—Sino Siya?, Sino Talaga ang Nagpupuno sa Sanlibutan?, Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya, o Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? Hulyo at Agosto: Magandang Balita Mula sa Diyos! o isa sa sumusunod na 32-pahinang brosyur: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, Ano ang Layunin ng Buhay?, o Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya: Mula sa linggo ng Oktubre 28 hanggang Disyembre 30, 2013, ang brosyur na Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon? ay gagamitin sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya. Maaga itong ipinatalastas para makaorder agad ng suplay ang mga kongregasyon.