Pagsulong sa Paglilingkod sa Larangan
Ang bilang ng mga pag-aaral sa Bibliya noong Pebrero ay mas mataas nang 9,950 kaysa noong Enero. Nakatutuwang malaman na napakaraming napasimulang pag-aaral sa Bibliya! Ito’y dahil sa mas marami ang nakibahagi sa pag-aani sa buwang iyon. May kabuuang 184,232 mamamahayag, 33,194 na regular pioneer, at 5,783 auxiliary pioneer ang naglingkod sa larangan, isang mahusay na hukbo ng kusang-loob na mga manggagawa.—Awit 110:3.