Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Agosto 26, 2013. Isinama ang petsa kung kailan tatalakayin sa paaralan ang bawat punto upang magamit sa pagsasaliksik kapag naghahanda bawat linggo.
1. Anong napakahalagang aral ang matututuhan natin sa pagtanggap ni Haring Herodes ng papuri at kaluwalhatian na hindi nararapat sa kaniya? (Gawa 12:21-23) [Hul. 1, w08 5/15 p. 32 par. 7]
2. Paano makikinabang ang mga kabataang Kristiyano sa pagsusuri at pagtulad sa halimbawa ni Timoteo? (Gawa 16:1, 2) [Hul. 8, w08 5/15 p. 32 par. 10]
3. Nang marinig ng mag-asawang Aquila at Priscila si Apolos na ‘nagsasalita nang may tapang’ sa sinagoga sa Efeso, paano nila siya maibiging tinulungan? (Gawa 18:24-26) [Hul. 15, w10 6/15 p. 11 par. 4]
4. Ano ang maka-Kasulatang saligan ng mga Saksi ni Jehova sa pagdulog sa mga hukuman para protektahan ang kanilang karapatang mangaral? (Gawa 25:10-12) [Hul. 22, bt p. 198 par. 6]
5. Paano patuloy na nakahanap ng mga pagkakataon si apostol Pablo para mangaral kahit nakabilanggo siya sa Roma, at paano siya tinutularan ng mga lingkod ni Jehova sa ngayon? (Gawa 28:17, 23, 30, 31) [Hul. 29, bt p. 215-217 par. 19-23]
6. Bakit sinasabi sa Bibliya na ang homoseksuwal na mga gawain ay di-likas at malaswa? (Roma 1:26, 27) [Agos. 5, g 1/12 p. 28 par. 7]
7. Paano nagkabisa ang “pantubos na ibinayad ni Kristo Jesus” noong 33 C.E. sa “mga kasalanan na naganap noong nakaraan” bago pa man ito aktuwal na naibayad? (Roma 3:24, 25) [Agos. 5, w08 6/15 p. 29 par. 6]
8. Ano ang maibiging paglalaan ni Jehova kapag napapaharap tayo sa nakalilitong sitwasyon at hindi natin alam kung ano ang sasabihin sa panalangin? (Roma 8:26, 27) [Agos. 12, w08 6/15 p. 30 par. 10]
9. Ano ang ipinahihiwatig ng payo na ‘sundan ang landasin ng pagkamapagpatuloy’? (Roma 12:13) [Agos. 19, w09 10/15 p. 5-6 par. 12-13]
10. Paano natin ‘maibibihis ang Panginoong Jesu-Kristo,’ gaya ng payo ni apostol Pablo? (Roma 13:14) [Agos. 26, w05 1/1 p. 11-12 par. 20-22]