Pagsulong sa Paglilingkod sa Larangan
Nakagagalak malamang 36,579 na mga kapatid ang nag-auxiliary pioneer noong Marso! Ito ay mas mataas nang 2,704 kaysa noong Marso 2012. Maraming bagong mamamahayag ang nagsimulang makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa buwang iyan, kaya isang bagong peak na 185,860 mamamahayag ang iniulat. Ito ay 4% pagsulong! Isa ngang kagalakang makita na ang pangalan ni Jehova ay napapupurihan hindi lang sa buong Pilipinas kundi sa buong daigdig.—Awit 98:4.