Mga Patalastas
◼ Alok sa Nobyembre at Disyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? o isa sa sumusunod na mga tract: Lahat ng Pagdurusa—Malapit Nang Magwakas!, Tamasahin ang Buhay Pampamilya, Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas?, o Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? Enero at Pebrero: Magandang Balita Mula sa Diyos! o isa sa sumusunod na 32-pahinang brosyur: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, Ano ang Layunin ng Buhay?, o Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
◼ Ang iskedyul ng pulong para sa linggo bago ang inyong pandistritong kombensiyon ay maaaring baguhin para marepaso ang mga payo at paalaala tungkol sa pagdalo sa kombensiyon. Mga isa o dalawang buwan matapos ang inyong kombensiyon, maaaring repasuhin sa lokal na mga pangangailangan ang mga punto mula sa kombensiyon na nakita ng mga mamamahayag na nakatutulong sa kanilang ministeryo.
◼ Gaya ng iminungkahi sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Setyembre, pakisuyong dalhin sa kombensiyon ang lahat ng matitirang imbitasyon para magamit sa di-pormal na pagpapatotoo o para maibigay sa isa sa mga attendant.