Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Pebrero 24, 2014.
Sa ano nakumbinsi ni Satanas si Eva na magtuon ng pansin, at ano ang ipinakita ng pagkain ni Eva ng ipinagbabawal na bunga? (Gen. 3:6) [Ene. 6, w11 5/15 p. 16-17 par. 5]
Ano ang maaaring nakatulong kay Abel na magkaroon ng matibay na pananampalataya, at ano ang naging resulta nito? (Gen. 4:4, 5; Heb. 11:4) [Ene. 6, w13 1/1 p. 12 par. 3; p. 14 par. 4-5]
Paano mapoprotektahan ng mga magulang ang kanilang mga anak na huwag humanga sa “mga makapangyarihan” at “mga lalaking bantog”? (Gen. 6:4) [Ene. 13, w13 4/1 p. 13 par. 2]
Ano ang matututuhan natin sa ulat ng Genesis 19:14-17 at 26 hinggil kay Lot at sa kaniyang asawa? [Ene. 27, w03 1/1 p. 16-17 par. 20]
Paano ipinakita ni Abraham na nananampalataya siya sa pagkabuhay-muli at sa pangako ni Jehova na magmumula kay Isaac ang isang supling? (Gen. 22:1-18) [Peb. 3, w09 2/1 p. 18 par. 4]
Anong mahahalagang katotohanan ang matututuhan natin sa Genesis 25:23 na nagsasabing “ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata”? [Peb. 10, w03 10/15 p. 29 par. 2]
Ano ang kahulugan ng panaginip ni Jacob may kaugnayan sa tinatawag ng ilang salin na isang hagdanan? (Gen. 28:12, 13) [Peb. 10, w04 1/15 p. 28 par. 5]
Bakit gustung-gusto ni Laban na mabawi ang terapim? (Gen. 31:30-35) [Peb. 17, it-2 p. 157 par. 5]
Ano ang matututuhan natin sa sagot ng anghel kay Jacob sa Genesis 32:29? [Peb. 24, w13 8/1 p. 10]
Ano ang isang paraan para maiwasan ang sinapit ni Dina? (Gen. 34:1, 2) [Peb. 24, w01 8/1 p. 20]