Mga Patalastas
◼ Alok sa Pebrero: Magandang Balita Mula sa Diyos! o isa sa sumusunod na 32-pahinang brosyur: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, Ano ang Layunin ng Buhay?, o Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! Marso at Abril: Bantayan at Gumising! Mayo at Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? o isa sa sumusunod na tract: Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?, Ano ang Bibliya Para sa Iyo?, o Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan?
◼ Sa Pebrero 16, Linggo, pagkatapos ng Pag-aaral sa Bantayan, magkakaroon ng maikling pagpupulong kasama ang lahat ng may planong mag-auxiliary pioneer sa Marso, Abril, at Mayo. Ang tagapangasiwa sa paglilingkod ang mangangasiwa sa pulong na ito, at titiyakin niyang may sapat na application form para sa lahat.
◼ Ang pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito simula Marso 2014 ay “Kaligtasan Mula sa mga Problema ng Daigdig.”
◼ Kapag nakikibahagi sa pampublikong pagpapatotoo, ang mga mamamahayag ay hindi dapat magdispley ng Bibliya sa mesa o cart. Pero puwede silang mag-stock ng Bibliya para sa mga hihiling nito o sa mga magpapakita ng taimtim na interes sa katotohanan.