Mga Patalastas
◼ Alok sa Agosto: Espesyal na kampanya para ipamahagi ang Saan Makikita ang Sagot sa Mahahalagang Tanong sa Buhay?, isang tract tungkol sa ating website. Setyembre at Oktubre: Ang Bantayan at Gumising! Nobyembre at Disyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? o isa sa sumusunod na mga tract: Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?, Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?, Ano ang Bibliya Para sa Iyo?, o Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan?
◼ Simula sa Setyembre, ang pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito kapag dumadalaw sa mga kongregasyon ay “Kung Paano Tayo Nakikinabang sa Makadiyos na Karunungan.”
◼ Paalaala sa mga Kalihim: Ang Congregation Analysis Report (S-10) ay ipo-post na sa jw.org. Dapat itong maingat na punan ng kalihim ng kongregasyon at i-check ng komite sa paglilingkod. Pagkatapos, dapat itong ipadala online sa tanggapang pansangay. Ang mga kongregasyon na walang access sa website ay padadalhan ng dalawang kopya ng form para punan. Dapat ipadala ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang di-lalampas sa Setyembre 6.