Mga Patalastas
◼ Alok sa Nobyembre at Disyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? o isa sa sumusunod na mga tract: Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?, Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?, Ano ang Bibliya Para sa Iyo?, o Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? Enero at Pebrero: Iaalok ang brosyur na Saan Nagmula ang Buhay? Para sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya, maaaring patuloy na gamitin ang brosyur na Magandang Balita Mula sa Diyos!
◼ Ang iskedyul ng pulong para sa linggo bago ang inyong panrehiyong kombensiyon ay maaaring baguhin para marepaso ang mga payo at paalaala tungkol sa pagdalo sa kombensiyon. Mga isa o dalawang buwan matapos ang inyong kombensiyon, maaaring repasuhin sa lokal na mga pangangailangan ang mga punto mula sa kombensiyon na nakita ng mga mamamahayag na nakatutulong sa kanilang ministeryo.
◼ Gaya ng iminungkahi sa patalastas ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Oktubre, pakisuyong dalhin sa kombensiyon ang lahat ng matitirang imbitasyon para magamit sa di-pormal na pagpapatotoo o para maibigay sa isa sa mga attendant.