Mga Patalastas
◼ Alok sa Disyembre: Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? o isa sa sumusunod na mga tract: Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?, Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?, Ano ang Bibliya Para sa Iyo?, o Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? Enero at Pebrero: Iaalok ang brosyur na Saan Nagmula ang Buhay? Para sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya, maaaring gamitin ang brosyur na Magandang Balita Mula sa Diyos! Marso at Abril: Bantayan at Gumising!
◼ Ang iskedyul ng pulong para sa linggo bago ang inyong panrehiyong kombensiyon ay maaaring i-adjust para marepaso ang mga payo at paalaala tungkol sa pagdalo sa kombensiyon.
◼ Ang Memoryal para sa 2016 ay gaganapin sa Miyerkules, Marso 23, 2016.
◼ Simula Enero 1, 2015, ititigil na ang kaayusan sa mga kongregasyon na gamitin ang unang Sabado ng bawat buwan para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Sa halip, maaaring ialok ang mga magasin gaya ng ginagawa sa ibang Sabado. Makapag-aalok tayo ng pag-aaral sa Bibliya kahit anong araw ng buwan gamit ang mga magasin o iba pang publikasyon.