Pagsulong sa Paglilingkod sa Larangan
Natapos ang 2014 taon ng paglilingkod na may bagong peak na 196,249 na mamamahayag! Ito ay mas marami nang mahigit 7,000 kumpara sa nagdaang taon. Talagang pinagpala ni Jehova ang espesyal na kampanya tungkol sa jw.org website noong Agosto 2014. Bukod sa bagong peak ng mamamahayag, may pito pang karagdagang peak ng regular pioneer, aklat, magasin, pagdalaw-muli, pag-aaral sa Bibliya, at oras sa ministeryo. Ang pinakahuling peak ay resulta ng espesyal na kampanya ng pamamahagi ng tract. Nakapamahagi tayo ng 6,698,842 brosyur/tract. Talagang nararanasan natin ang mga “pagpapala ni Jehova” habang patuloy nating inihahayag ang Kaharian ni Jehova sa makasaysayang mga huling araw na ito.—Kaw. 10:22.