Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Pebrero 23, 2015.
Ano ang pagkakaiba ng mga kanlungang lunsod sa sinaunang Israel at ng mga paganong taguan ng mga kriminal? (Jos. 20:2, 3) [Ene. 5, w10 11/1 p. 15 par. 4-6]
Bakit buong-pagtitiwalang masasabi ni Josue ang mga salita sa Josue 23:14, at bakit tayo lubusang makapagtitiwala sa mga pangako ni Jehova? [Ene. 12, w07 11/1 p. 26 par. 19]
Bakit ang Juda ang unang tribo na pinili upang mag-ari ng lupain na itinakda sa kanila? (Huk. 1:2, 4) [Ene. 19, w05 1/15 p. 24 par. 5]
Bakit iginiit ni Barak na sumama sa kaniya ang propetisang si Debora sa larangan ng digmaan? (Huk. 4:8) [Ene. 19, w05 1/15 p. 25 par. 4]
Ano ang ipinahihiwatig ng pangalan na ibinigay ni Gideon sa altar na itinayo niya, at ano ang matututuhan natin mula rito? (Huk. 6:23, 24) [Ene. 26, w14 2/15 p. 22-23 par. 9]
Ano ang matututuhan natin mula sa pagtugon ni Gideon sa nakikipagtalong mga Efraimita? (Huk. 8:1-3) [Peb. 2, w05 7/15 p. 16 par. 4]
Nang manata si Jepte, iniisip ba niya na maghahain siya ng tao? (Huk. 11:30, 31) [Peb. 9, w05 1/15 p. 26 par. 1]
Ayon sa Hukom 11:35-37, ano ang nakatulong sa anak ni Jepte para matupad niya ang panata ng kaniyang ama? [Peb. 9, w11 12/15 p. 20-21 par. 15-16]
Noong walang hari sa Israel at ‘ginagawa ng bawat isa kung ano ang tama sa kaniyang sariling paningin,’ pinasigla ba nito ang anarkiya? Ipaliwanag. (Huk. 17:6) [Peb. 16, w05 1/15 p. 27 par. 6]
Anong halimbawa tungkol sa pagtitiyaga sa panalangin ang maaari nating matutuhan mula sa ulat ng mga Israelita na dalawang beses na natalo ng suwail na tribo ni Benjamin? (Huk. 20:14-25) [Peb. 23, w11 9/15 p. 32 par. 2-5]