Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Hunyo 29, 2015. Isinama ang petsa kung kailan tatalakayin sa paaralan ang bawat punto upang magamit sa pagsasaliksik kapag naghahanda bawat linggo.
Ano ang mali sa paraan ng pagsasalita ni Mical kay David, at anong aral ang dapat tandaan ng mga mag-asawa mula sa ulat na ito? (2 Sam. 6:20-23) [Mayo 11, w11 8/1 p. 12 par. 1]
Ano ang naging reaksiyon ni propeta Natan nang ituwid siya ni Jehova nang sabihin niya kay David na yumaon ito at gumawa ng templo para kay Jehova? (2 Sam. 7:2, 3) [Mayo 11, w12 2/15 p. 24 par. 6-7]
Bakit ikinuwento ni Natan ang talinghaga sa 2 Samuel 12:1-7 sa halip na tuwirang sabihin kay David na nakagawa ito ng malubhang kasalanan? Paano makatutulong sa atin ang ulat na ito para maging mas mahuhusay na guro? [Mayo 18, w12 2/15 p. 24 par. 2-3]
Bakit nalinlang ni Absalom ang mga Israelita, at paano tayo makapag-iingat sa mga “Absalom” sa ngayon? (2 Sam. 15:6) [Mayo 25, w12 7/15 p. 13 par. 7]
Paano pinaglaanan ni Jehova si David sa panahon ng pangangailangan, at ano ang matututuhan natin dito? (2 Sam. 17:27-29) [Hunyo 1, w08 9/15 p. 6 par. 15-16]
Paano tayo makikinabang sa halimbawa ni David ng pakikitungo sa dayuhang si Ittai? (2 Sam. 18:2) [Hunyo 1, w09 5/15 p. 27 par. 7]
Paano maaaring makinabang ang mga may-edad sa kongregasyon mula sa halimbawa ni Barzilai? (2 Sam. 19:33-35) [Hunyo 8, w07 7/15 p. 15 par. 1-2]
Ano ang maaasahan ng mga lingkod ni Jehova sa ngayon mula sa mga salita ni David tungkol sa katapatan? (2 Sam. 22:26) [Hunyo 15, w10 6/1 p. 26 par. 6-7]
Paano nagpakita ng katapatan sa Diyos si Natan, at paano natin matutularan ang katangiang iyan sa ngayon? (1 Hari 1:11-14) [Hunyo 22, w12 2/15 p. 25 par. 1, 4-5]
Sa anong mga pitak ng buhay posibleng magdahilan ang isang lingkod ng Diyos para malusutan niya ang mga utos ng Diyos, gaya ng malamang na ginawa ni Solomon? (1 Hari 3:1) [Hunyo 29, w11 12/15 p. 10 par. 12-14]