Mga Patalastas
◼ Alok sa Hunyo: Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? o isa sa sumusunod na mga tract: Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?, Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?, Matatapos Pa Ba ang Pagdurusa?, o Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? Hulyo at Agosto: Magandang Balita Mula sa Diyos! o isa sa sumusunod na 32-pahinang brosyur: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, o Ano ang Layunin ng Buhay?, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Setyembre at Oktubre: Bantayan at Gumising!
◼ Ang lahat ng tract at imbitasyon na iniwan sa mga indibiduwal o sa mga bahay na walang tao ay dapat iulat sa kolum ng “Brochures and Tracts” kapag pinupunan ang ulat ng paglilingkod tuwing katapusan ng buwan. Kapag may nagpakita ng interes at tumanggap ng literatura, kahit isang tract, sikaping balikan siyang muli para linangin ang kaniyang interes.
◼ Simula sa linggo ng Oktubre 19, 2015, ang aklat na Tularan ang Kanilang Pananampalataya ang gagamitin sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya. Ang mga kongregasyong nangangailangan ng karagdagang mga kopya ay dapat mag-request nito sa kanilang susunod na literature request. Para sa mga gustong gumamit ng electronic format, mag-download sa jw.org/tl sa halip na kumuha ng nakaimprentang aklat.