Pagsulong sa Paglilingkod sa Larangan
Ang ating bansa ay nagkaroon na naman ng napakagandang ulat. Matapos maabot ang mahigit 200,000 mamamahayag noong Marso, patuloy pa rin ang paglago, at isa na namang bagong peak ang naabot noong Abril—200,789 na mamamahayag! Pinakamataas din ang bilang ng mga pag-aaral sa Bibliya—275,492. Maliwanag na ipinakikita nito na marami pa ang natutulungang maging lingkod ni Jehova. Bukod sa bagong peak na 38,760 regular pioneer, mayroon ding 28,551 auxiliary pioneer na sumuporta sa lahat ng gawaing ito. Talagang tuwang-tuwa si Jehova kapag nakikita niya ang pagsisikap ng napakaraming naglilingkod sa kaniya “nang buong kaluluwa.”—Col. 3:23.