Pagsulong sa Paglilingkod sa Larangan
Noong Hulyo, isa na namang bagong peak na 201,667 mamamahayag ang naabot. Mas mataas ito nang 6 na porsiyento kaysa sa average noong nakaraang taon! Ang bilang ng mga pag-aaral sa Bibliya ay mas mataas nang 20,000 kumpara noong Hulyo 2014. Dahil sa masigasig na gawaing ito, 965 ang nabautismuhan nitong Hulyo. Talagang pinabibilis ni Jehova ang ating gawain.—Isa. 60:22.