KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 52-59
“Ihagis Mo ang Iyong Pasanin kay Jehova”
Dumanas si David ng maraming pagsubok sa buhay. Nang matapos niyang kathain ang Awit 55, nakaranas na siya ng . . .
Pang-iinsulto
Pang-uusig
Panunumbat ng Budhi
Trahedya sa Pamilya
Pagkakasakit
Pagtataksil
Kahit noong parang hindi na niya kaya ang pasanin niya, nakita ni David kung paano ito makakayanan. Sa sinumang may ganiyang problema, ipinayo ni David: “Ihagis mo ang iyong pasanin kay Jehova.”
Paano natin maikakapit ang talatang ito sa ngayon?
Ilapit kay Jehova sa taimtim na panalangin ang anumang problema, kabalisahan, o pagkabahala
Humingi ng patnubay at tulong mula sa Salita ni Jehova at sa kaniyang organisasyon
Gawin ang makatuwirang magagawa mo para gumaan ang sitwasyon ayon sa mga simulain sa Bibliya