Mayo 8-14
Jeremias 35-38
Awit 33 at Panalangin
Pambungad na Komento (3 min. o mas maikli)
KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
“Ebed-melec—Isang Halimbawa ng Katapangan at Kabaitan”: (10 min.)
Jer 38:4-6—Natakot sa tao si Zedekias at hinayaan ang mga sumasalansang na ihagis si Jeremias sa maputik na imbakang-tubig para mamatay (it-2 1416 ¶2)
Jer 38:7-10—Si Ebed-melec ay nagpakita ng tapang at determinasyong tulungan si Jeremias (w12 5/1 31 ¶2-3)
Jer 38:11-13—Nagpakita ng kabaitan si Ebed-melec (w12 5/1 31 ¶4)
Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas: (8 min.)
Jer 37:21—Paano pinangalagaan ni Jehova si Jeremias, at paano tayo mapatitibay nito kapag nasa mahihirap tayong kalagayan? (w98 1/15 18 ¶16-17; w95 8/1 5 ¶6-7)
Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jehova mula sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito?
Ano pang espirituwal na hiyas ang natuklasan mo sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito?
Pagbabasa ng Bibliya: (4 min. o mas maikli) Jer 36:27–37:2
MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO
Unang Pag-uusap: (2 min. o mas maikli) wp17.3, pabalat—Ilatag ang pundasyon para sa pagdalaw-muli.
Pagdalaw-Muli: (4 min. o mas maikli) wp17.3, pabalat—Ilatag ang pundasyon para sa susunod na pagdalaw.
Pag-aaral sa Bibliya: (6 min. o mas maikli) jl aralin 26
PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
“Pag-aalaga sa Ating Dako ng Pagsamba”: (15 min.) Tanong-sagot na gagampanan ng isang elder. Pagkatapos panoorin ang video na Pag-aalaga sa Ating Dako ng Pagsamba at sagutin ang mga tanong, interbyuhin sa maikli ang kinatawan ng kongregasyon sa operating committee. (Kung walang kinatawan ang inyong kongregasyon, interbyuhin ang koordineytor ng lupon ng matatanda. Kung ang inyong kongregasyon lang ang gumagamit ng Kingdom Hall, interbyuhin ang koordineytor sa pagmamantini.) Anong pagmamantini sa Kingdom Hall ang naisagawa kamakailan, at ano pa ang mga planong gawin sa hinaharap? Kung ang isa ay may kasanayan sa pagmamantini o gustong sumama sa may kasanayan para matuto, ano ang dapat niyang gawin? Anuman ang kalagayan natin, ano ang maaari nating gawin para mapangalagaan ang Kingdom Hall?
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya: (30 min.) kr kab. 12 ¶9-15, mga kahon na “Mga Pagbabago sa Paraan ng Pangangasiwa” at “Kung Paano Inaasikaso ng Lupong Tagapamahala ang mga Kapakanan ng Kaharian”
Repaso at mga Aabangan sa Susunod na Linggo (3 min.)
Awit 125 at Panalangin