Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb17 Oktubre p. 3
  • Kung Paano Magiging Masikap na Estudyante ng Kasulatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Magiging Masikap na Estudyante ng Kasulatan
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • Kaparehong Materyal
  • Daniel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Daniel, Aklat ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Yungib ng mga Leon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pinangakuan ni Jehova si Daniel ng Kamangha-manghang Gantimpala
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
mwb17 Oktubre p. 3

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kung Paano Magiging Masikap na Estudyante ng Kasulatan

Gusto mo bang maging tapat sa kabila ng pagsubok, gaya ni Daniel? Masikap niyang pinag-aralan ang Salita ng Diyos, pati na ang malalalim na hula. (Dan 9:2) Ang masikap na pag-aaral ng Bibliya ay makatutulong sa iyo na manatiling tapat. Paano? Mapatitibay nito ang pananampalataya mo na matutupad ang mga pangako ni Jehova. (Jos 23:14) Mapasisidhi rin nito ang iyong pag-ibig sa Diyos, na magpapakilos sa iyo na gawin ang tama. (Aw 97:10) Pero paano ka magsisimula? Tingnan ang sumusunod na mga mungkahi.

Si Daniel habang pinag-aaralan ang Salita ng Diyos
  • Ano ang pag-aaralan ko? Kasama sa mahusay na rutin ng pag-aaral ang paghahanda sa mga pulong ng kongregasyon. Ang lingguhang pagbabasa ng Bibliya ay magiging mas makabuluhan kung sasaliksikin mo ang mga puntong hindi mo nauunawaan. Bukod diyan, pinag-aralan pa ng ilan ang tungkol sa mga hula sa Bibliya, iba’t ibang aspekto ng bunga ng espiritu ng Diyos, mga paglalakbay ni apostol Pablo bilang misyonero, o maging ang pisikal na mga nilalang ni Jehova. Kapag may naisip kang tanong tungkol sa Bibliya, isulat iyon. Sa susunod na pag-aaral, iyon ang gamitin mong paksa.

  • Saan ako makakakuha ng impormasyon? Puwede mong panoorin ang video na Mga Kagamitan sa Pananaliksik ng Espirituwal na Kayamanan. Para masubok ang iyong kakayahan, saliksikin ang pagkakakilanlan ng mga kapangyarihang pandaigdig na inilalarawan ng mga hayop sa Daniel kabanata 7.

  • Gaano katagal ako mag-aaral? Ang regular na pag-aaral ay kailangan para maging malusog sa espirituwal. Sa simula, puwede kang gumugol ng maikling panahon sa pag-aaral, at unti-unti itong pahabain. Ang pag-aaral ng Salita ng Diyos ay parang paghuhukay ng nakatagong kayamanan; habang nakakahukay ka ng kayamanan, lalo kang gaganahang maghukay! (Kaw 2:3-6) Mas mananabik ka sa Salita ng Diyos, at magiging rutin mo na ang regular na pag-aaral ng Bibliya.—1Pe 2:2.

    Para sa mga mungkahi kung paano mae-enjoy ang pag-aaral, tingnan ang Pebrero 2012 ng Gumising! sa p. 18-20.

SAAN LUMALARAWAN ANG MGA HAYOP SA DANIEL KABANATA 7?

  • Hayop na tulad ng isang leon na may pakpak ng agila

    Dan 7:4

  • Hayop na tulad ng isang oso na may kagat na tatlong tadyang

    Dan 7:5

  • Hayop na tulad ng isang leopardo na may apat na ulo at apat na pakpak sa likod

    Dan 7:6

  • Nakatatakot na hayop na may malalaking ngiping bakal at sampung sungay

    Dan 7:7

KARAGDAGANG TANONG:

Paano natupad ang Daniel 7:8, 24?

Isang maliit na sungay na may mga mata at isang bibig na tumubo sa sampung sungay, at bumunot sa tatlong sungay

SUSUNOD NA PROJECT:

Saan lumalarawan ang mga hayop sa Apocalipsis kabanata 13?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share