Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb18 Pebrero p. 5
  • Pinakakain ang Marami sa Pamamagitan ng Iilan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinakakain ang Marami sa Pamamagitan ng Iilan
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Pinakakain ang Marami sa Pamamagitan ng Iilan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • “Sino Talaga ang Tapat at Maingat na Alipin?”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Libo-libo ang Napakain sa Kaunting Tinapay at Isda
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Tapat at Maingat na Alipin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
mwb18 Pebrero p. 5
Pinakain ng mga alagad ni Jesus ang isang malaking pulutong

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | MATEO 14-15

Pinakakain ang Marami sa Pamamagitan ng Iilan

Bago ang Paskuwa noong 32 C.E., gumawa si Jesus ng himala. Ito lang ang tanging himala na naiulat sa apat na Ebanghelyo.

Ang himalang ito ay naging parisan ng ginagawa ni Jesus hanggang sa panahon natin.

14:16-21

  • Inutusan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na pakainin ang mga pulutong, kahit mayroon lang silang limang tinapay at dalawang isda

  • Kinuha ni Jesus ang mga tinapay at isda, at nang makapanalangin, ipinamahagi niya ito sa kaniyang mga alagad. Ipinamahagi naman ito ng mga alagad sa pulutong

  • Himala na napakaraming sumobrang pagkain. Pinakain ni Jesus ang libo-libo sa pamamagitan ng iilan—ang kaniyang mga alagad

    Ipinamahagi ni Jesus ang tinapay sa kaniyang mga alagad; magasing Bantayan
  • Patiunang sinabi ni Jesus na sa mga huling araw, mag-aatas siya ng instrumento na maglalaan ng espirituwal na “pagkain sa tamang panahon.”—Mat 24:45

  • Noong 1919, inatasan ni Jesus “ang tapat at maingat na alipin,” isang maliit na grupo ng mga pinahirang kapatid na magpapakain sa “kaniyang mga lingkod ng sambahayan”

  • Sa pamamagitan ng maliit na grupo ng mga pinahirang kapatid na ito, tinutularan ni Jesus ang parisang ginawa niya noong unang siglo

Paano ko maipakikitang kinikilala at iginagalang ko ang instrumentong ginagamit ni Jesus para pakainin sa espirituwal ang mga tao?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share