KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GAWA 6-8
Nasubok ang Bagong Kongregasyong Kristiyano
Ang mga babaeng balo na nagsasalita ng Griego ay namalagi nang mas matagal sa Jerusalem at dumanas ng diskriminasyon. Natisod ba sila dahil sa kawalang-katarungang ito, o matiyaga silang naghintay na ituwid ni Jehova ang mga bagay-bagay?
Matapos pagbabatuhin si Esteban, nagkaroon ng matinding pag-uusig kung kaya ang mga Kristiyano sa Jerusalem ay tumakas patungong Judea at Samaria. Nagmabagal ba sila sa kanilang ministeryo?
Sa tulong ni Jehova, nakapagbata ang bagong kongregasyong Kristiyano at dumami ang mga alagad.—Gaw 6:7; 8:4.
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Paano ko hinaharap ang mga pagsubok?’