Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb19 Pebrero p. 8
  • Patuloy na Maghintay Nang May Pagbabata

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Patuloy na Maghintay Nang May Pagbabata
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
  • Kaparehong Materyal
  • Pagbabata
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Huwag Hayaang Mapagkaitan Ka ng Gantimpala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • “Hayaang Ganapin ng Pagbabata ang Gawa Nito”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Pagtitiis—Kailangan ng mga Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
mwb19 Pebrero p. 8

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Patuloy na Maghintay Nang May Pagbabata

Gaano katagal ka nang naghihintay sa pagdating ng Kaharian ng Diyos? Hinihintay mo ba ito nang may pagbabata sa kabila ng mga pagsubok? (Ro 8:25) Ang ilang Kristiyano ay dumaranas ng pagkapoot, pagmamalupit, pagkabilanggo, o bantang kamatayan pa nga. Marami naman ang napapaharap sa problemang gaya ng malubhang sakit o pagtanda.

Ano ang tutulong sa atin para makapaghintay tayo sa kabila ng mga hamon? Kailangan nating palakasin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng araw-araw na pagbabasa ng Bibliya at pagbubulay-bulay rito. Magpokus tayo sa ating pag-asa. (2Co 4:16-18; Heb 12:2) Magsumamo tayo kay Jehova sa panalangin at hingin ang banal na espiritu. (Luc 11:10, 13; Heb 5:7) Tutulungan tayo ng ating maibiging Ama na “makapagbata nang lubos at magkaroon ng mahabang pagtitiis taglay ang kagalakan.”—Col 1:11.

PANOORIN ANG VIDEO NA DAPAT TAYONG ‘TUMAKBO NANG MAY PAGBABATA’—MAGTIWALANG MAKUKUHA MO ANG GANTIMPALA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Si Jamie at ang misis niya sa ministeryo

    Anong mga “di-inaasahang pangyayari” ang puwedeng mapaharap sa atin? (Ec 9:11)

  • May binasang teksto si Carl kay Jamie matapos itong ma-stroke

    Paano nakakatulong ang panalangin kapag may mga problema?

  • Nag-shepherding sina Jamie at Carl sa isang mag-asawa

    Kung hindi na tayo makapaglingkod kay Jehova na gaya ng dati, bakit makabubuting magpokus tayo sa mga bagay na kaya pa nating gawin?

  • Ini-imagine ni Jamie na malusog na siya sa Paraiso

    Magpokus sa gantimpala

    Ano ang nakakatulong sa iyo na patuloy na magtiwalang makukuha mo ang gantimpala?

Paano mo matutulungan ang mga may problema at ang kanilang mga kapamilya?

  • Magsalita nang may kabaitan at huwag silang ikumpara sa iba

  • Maging mahusay na tagapakinig

  • Manalangin para sa kanila at kasama nila

  • Ipagluto sila o tulungan sa mga gawaing-bahay

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share