KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 6-8
“Gayong-gayon ang Ginawa Niya”
Isip-isipin kung gaano kahirap para kay Noe at sa pamilya niya na magtayo ng arka nang walang kasanayan at modernong kagamitan sa pagtatayo.
Napakalaki ng arka—mga 133 metro ang haba, 22 metro ang lapad, at 13 metro ang taas
Kailangan nilang putulin ang mga kahoy sa tamang sukat at hugis, at buhatin ang mga iyon
Kailangan nilang pahiran ng alkitran ang loob at labas ng arka
Kailangan nilang mag-imbak ng pagkain na tatagal nang isang taon para sa kanila at sa mga hayop
Malamang na tumagal nang 40 hanggang 50 taon bago natapos ang arka
Paano ka mapapatibay ng kuwento ni Noe kapag nahihirapan kang gawin ang atas na ibinigay sa iyo ni Jehova?