KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 42-43
Nagpakita si Jose ng Matinding Pagpipigil sa Sarili
Isipin ang naramdaman ni Jose nang bigla niyang makita ang mga kapatid niya. Puwede sana siyang magpakilala agad—yakapin o gantihan sila. Pero nag-isip muna siya. Ano ang gagawin mo kung biktima ka ng pagmamaltrato ng mga kapamilya mo o ng ibang tao? Itinuturo ng halimbawa ni Jose ang pagpipigil sa sarili at pananatiling kalmado imbes na sundin ang mapandayang puso at kumilos nang padalos-dalos.
Paano mo matutularan si Jose sa mga sitwasyong napapaharap sa iyo?