PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Magtiwala sa Tapat na Pag-ibig ni Jehova
Mahalaga ka kay Jehova. (Isa 43:4) Inilapit ka niya sa kaniya at sa organisasyon niya. Dahil nag-alay ka at nagpabautismo, pag-aari ka na ni Jehova. Pangangalagaan ka niya bilang kaniyang espesyal na pag-aari, kahit sa mahihirap na panahon. Magpapakita siya sa iyo ng tapat na pag-ibig sa pamamagitan ng organisasyon niya.—Aw 25:10.
Mas mapapahalagahan natin ang tapat na pag-ibig ni Jehova kung aalalahanin natin kung paano tumugon ang organisasyon niya sa likas na mga sakuna kamakailan.
PANOORIN ANG VIDEO NA 2019 REPORT MULA SA COORDINATORS’ COMMITTEE. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Paano inihanda ng Coordinators’ Committee ang mga sangay sa buong mundo para makatulong sa panahon ng sakuna?
Paano nagbigay ng tagubilin at tulong ang organisasyon ni Jehova sa mga kapatid sa Indonesia at Nigeria?
Ano ang hinahangaan mo sa naging pagtugon ng organisasyon ni Jehova sa panahon ng COVID-19 pandemic?