PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Mga Kabataan—Sabihin ang Laman ng Puso Ninyo sa mga Magulang Ninyo
Bakit dapat ninyong sabihin ang mga ikinababahala ninyo sa mga magulang ninyo? (Kaw 23:26) Kasi inatasan sila ni Jehova na pangalagaan at gabayan kayo. (Aw 127:3, 4) Mahihirapan silang tulungan kayo kung itatago ninyo sa kanila ang mga ikinababahala ninyo. Hindi rin ninyo malalaman ang mga aral na natutuhan nila sa mga karanasan nila sa buhay. Mali bang sarilinin ang ilang iniisip ninyo? Hindi naman—basta’t hindi ninyo niloloko ang mga magulang ninyo.—Kaw 3:32.
Paano kayo makikipag-usap sa mga magulang ninyo? Humanap ng magandang pagkakataon. Kung nahihirapan kayo, puwede ninyong daanin sa sulat ang nararamdaman ninyo. Paano naman kung may gusto silang ipakipag-usap pero naiilang kayo? Tandaan na gusto nila kayong tulungan. Ituring ninyo sila na kakampi, hindi kaaway. Kung sasabihin ninyo sa mga magulang ninyo ang iniisip ninyo, siguradong makikinabang kayo ngayon at sa hinaharap!—Kaw 4:10-12.
PANOORIN ANG VIDEO NA NOONG TEENAGER AKO—PAANO KO KAKAUSAPIN ANG MGA MAGULANG KO? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ano ang na-realize nina Esther at Partik?
Ano ang matututuhan mo sa halimbawa ni Jesus?
Paano ipinakita ng mga magulang mo na nagmamalasakit sila sa iyo?
Gusto ng mga magulang mo na maging masaya ka
Anong mga prinsipyo sa Bibliya ang tutulong sa iyo na makipag-usap sa mga magulang mo?