ABRIL 29–MAYO 5
AWIT 34-35
Awit Blg. 10 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. ‘Purihin si Jehova sa Lahat ng Panahon’
(10 min.)
Pinuri ni David si Jehova kahit noong may mga problema siya (Aw 34:1; w07 3/1 22 ¶11)
Ipinagmalaki ni David si Jehova, hindi ang sarili niya (Aw 34:2-4; w07 3/1 22 ¶13)
Dahil pinuri ni David si Jehova, napatibay ang mga kasama niya (Aw 34:5; w07 3/1 23 ¶15)
Nang makatakas si David kay Abimelec, sumama sa kaniya sa ilang ang 400 lalaking may mga hinaing kay Saul. (1Sa 22:1, 2) Posibleng sila ang nasa isip ni David nang isulat niya ang awit na ito.—Aw 34, superskripsiyon.
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Paano ko mapapapurihan si Jehova kapag nakipag-usap ako sa iba sa susunod na pulong?’
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Aw 35:19—Ano ang ibig sabihin ni David nang hilingin niya na huwag hayaang “kumindat” ang mga napopoot sa kaniya? (w06 5/15 20 ¶2)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Aw 34:1-22 (th aralin 5)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Natapos ang pag-uusap bago ka pa makapagpatotoo. (lmd aralin 1: #4)
5. Pagdalaw-Muli
(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. (lmd aralin 2: #4)
6. Ipaliwanag ang Paniniwala Mo
(5 min.) Pagtatanghal. ijwfq 59—Tema: Paano Nalalaman ng mga Saksi ni Jehova Kung Puwedeng Ipagdiwang ang Isang Kapistahan? (th aralin 17)
Awit Blg. 59
7. Tatlong Paraan Para Mapapurihan si Jehova sa mga Pulong
(15 min.) Pagtalakay.
May mga pagkakataon tayo para purihin si Jehova sa mga pulong natin. Ito ang tatlong paraan.
Pakikipag-usap: Kapag nakikipagkuwentuhan, sikaping pag-usapan kung gaano kabuti si Jehova. (Aw 145:1, 7) May narinig ka ba o nabasang punto na nakatulong sa iyo? May magandang karanasan ka ba sa ministeryo? Napatibay ka ba dahil sa sinabi o ginawa ng iba para sa iyo? Napahanga ka ba dahil sa isang nilalang? Regalo ang lahat ng iyan mula kay Jehova. (San 1:17) Sikaping dumating nang mas maaga para makausap mo ang iba.
Pagkokomento: Magkomento kahit isang beses lang sa bawat pulong. (Aw 26:12) Puwede mong sagutin nang direkta ang tanong o komentuhan ang ibang punto, teksto, artwork, o kung paano mo isasabuhay ang pinag-aaralan. Malamang na may mga magtataas din ng kamay sa komentong pinaghandaan mo, kaya maghanda ng ilang komento. Mas marami ang ‘makakapaghandog ng papuri sa Diyos’ kung 30 segundo o mas maikli ang komento natin.—Heb 13:15.
Pagkanta: Kantahin ang mga Kingdom song nang masigla. (Aw 147:1) Hindi ka man makapagkomento sa bawat pulong, lalo na kapag malaki ang kongregasyon, lagi ka namang makakasama sa pagkanta. Kahit pakiramdam mo, sintunado ka, mapapasaya mo pa rin si Jehova kapag ibinigay mo ang best mo. (2Co 8:12) Magagawa mo iyan kung sa bahay pa lang, magpapraktis ka na.
I-play ang VIDEO na Ang Ating Kasaysayan at Pagsulong—Mga Awit na Regalo ng Diyos, Bahagi 1. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Noong nagsisimula pa lang ang ating organisasyon, paano ipinakita ng mga kapatid na mahalaga ang pag-awit ng papuri kay Jehova?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 9 ¶1-7, intro ng seksiyon 3, at kahon sa p. 70