Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb24 Mayo p. 2-3
  • Mayo 6-12

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mayo 6-12
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2024
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2024
mwb24 Mayo p. 2-3

MAYO 6-12

AWIT 36-37

Awit Blg. 87 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. ‘Huwag Magalit Dahil sa Masasamang Tao’

(10 min.)

Nagdurusa tayo dahil sa masasamang tao (Aw 36:​1-4; w17.04 10 ¶4)

Makakasamâ rin sa atin kung masyado tayong magpapaapekto at magagalit sa “masasamang tao” (Aw 37:​1, 7, 8; w22.06 10 ¶10)

Magiging payapa tayo kapag nagtiwala tayo sa mga pangako ni Jehova (Aw 37:​10, 11; w03 12/1 13 ¶20)

Sister na nag-aalala habang nagbabasa ng balita sa cellphone niya. Nakikita niya ang mga galít na nagpoprotesta, pulis na tumatanggap ng suhol, mga sundalong namamaril, lalaking may armas habang nasa parking, mga taong bitbit ang mga ninakaw nila, kaguluhan, at mga unang nagresponde sa isang aksidente.

TANUNGIN ANG SARILI, ‘Masyado ba akong interesado sa mga balita tungkol sa masasamang ginagawa ng mga tao?’

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 36:6—Ano ang posibleng ibig sabihin ng salmista nang banggitin niya na ang katuwiran ni Jehova ay tulad ng “mariringal na bundok [o, “tulad ng mga bundok ng Diyos,” tlb.]”? (it-1 459 ¶4)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Aw 37:​1-26 (th aralin 10)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) BAHAY-BAHAY. (lmd aralin 1: #5)

5. Pagdalaw-Muli

(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya sa isang taong tumanggi na noon. (lmd aralin 9: #4)

6. Pahayag

(5 min.) ijwbv 45—Tema: Ano ang Ibig Sabihin ng Awit 37:4? (th aralin 13)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 33

7. Handa Ka Na Ba sa “Panahon ng Pagdurusa”?

(15 min.) Pagtalakay.

Dahil sa mga kalamidad at sakunang gawa ng tao, may mga kapatid tayo sa buong mundo na nawalan ng mga ari-arian at namatayan ng mahal sa buhay. (Aw 9:​9, 10) Nakakalungkot, ang “panahon ng pagdurusa” ay puwedeng mangyari anumang oras. Kaya kailangan tayong maging handa.

Bukod sa mga bagay na dapat ihanda,a ano pa ang makakatulong sa atin para makaligtas sa isang sakuna?

  • Ihanda ang isip: Asahan na natin na puwedeng magkaroon ng sakuna, at pag-isipan kung ano ang dapat mong gawin kapag nangyari iyon. Huwag mong hayaang mapamahal sa iyo ang mga ari-arian mo. Tutulong iyan sa iyo na makapagdesisyon nang tama at makapagpokus sa kaligtasan mo at ng iba, imbes na sa mga pag-aari mo. (Gen 19:16; Aw 36:9) Mas madaling mo ring makakayanan ang pagkawala ng mga ito.​—Aw 37:19

  • Patibayin ang espirituwalidad: Patibayin ang pagtitiwalang kaya kang protektahan ni Jehova at na gusto niyang gawin iyon. (Aw 37:18) Bago pa man magkaroon ng sakuna, laging tandaan na papatnubayan at tutulungan ni Jehova ang mga lingkod niya, kahit buhay lang nila ang mailigtas at mawala ang lahat ng pag-aari nila.​—Aw 37:​23, 24; Jer 45:5

Kapag nagtitiwala tayo sa mga pangako ni Jehova, nagiging “tanggulan [natin siya] sa panahon ng pagdurusa.”​—Aw 37:39.

Collage: Mga eksena sa video na “Handa Ka Ba sa Sakuna?” 1. Brother na nagbabasa ng Bibliya. 2. Tsunami. 3. Makapal at maitim na ulap. 4. Mga taong may dala-dala habang tumatawid sa baha.

I-play ang VIDEO na Handa Ka Ba sa Sakuna? Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Paano tayo tinutulungan ni Jehova kapag may sakuna?

  • Ano ang mga puwede nating gawin para maging handa?

  • Paano natin matutulungan ang mga biktima ng sakuna?

SUBUKAN ITO

  • Habang binabasa at pinag-aaralan mo ang Bibliya, maglista ng mga tekstong magpapatibay sa iyo at sa iba. Puwede mong i-tag ang mga tekstong ito sa JW Library® app. Tingnan ang ilan sa mga tekstong ito sa artikulong “Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Likas na mga Sakuna?” sa jw.org.

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) bt kab. 9 ¶8-16

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 57 at Panalangin

a Tingnan ang Gumising! Blg. 5 2017, pahina 4-6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share