DISYEMBRE 23-29
AWIT 119:121-176
Awit Blg. 31 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Kung Paano Mo Maiiwasang Masaktan
(10 min.)
Mahalin ang mga utos ng Diyos (Aw 119:127; w18.06 17 ¶5-6)
Kapootan ang masama (Aw 119:128; w93 4/15 17 ¶12)
Makinig kay Jehova, at iwasang magkamali gaya ng “mga walang karanasan” (Aw 119:130, 133; Kaw 22:3)
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Ano pa ang mga kailangan kong gawin para mas mahalin ko ang mga utos ng Diyos at mas kapootan ang masama?’
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Aw 119:160—Ayon sa tekstong ito, sa ano tayo dapat maging kumbinsido? (w23.01 2 ¶2)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Aw 119:121-152 (th aralin 2)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. (lmd aralin 1: #5)
5. Pagdalaw-Muli
(4 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakita sa kausap mo kung paano maghahanap sa jw.org ng impormasyong magugustuhan niya. (lmd aralin 8: #3)
6. Paggawa ng mga Alagad
(5 min.) Pakikipag-usap sa isang Bible study na hindi regular na dumadalo sa pulong. (lmd aralin 12: #4)
Awit Blg. 121
7. Huwag Hayaang Masaktan Ka Dahil sa Pera
(15 min.) Pagtalakay.
‘Dumaranas ng maraming kirot’ ang mga umiibig sa pera. (1Ti 6:9, 10) Makikita sa ibaba ang mga puwede nating maranasan kapag inibig natin ang pera at hinayaan itong maging pinakamahalaga sa buhay natin.
Hindi tayo magiging malapít kay Jehova.—Mat 6:24
Hindi tayo magiging kontento.—Ec 5:10
Mahihirapan tayong umiwas sa paggawa ng masama, gaya ng pagsisinungaling, pagnanakaw, at pandaraya. (Kaw 28:20) At kapag nangyari iyan, makokonsensiya tayo, magkakaroon tayo ng masamang reputasyon, at maiwawala natin ang pagsang-ayon ng Diyos
Basahin ang Hebreo 13:5. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Anong pananaw sa pera ang dapat mong iwasan para hindi ka masaktan, at bakit?
Kahit hindi natin iniibig ang pera, masasaktan pa rin tayo kung mali ang paggamit natin dito.
I-play ang WHITEBOARD ANIMATION na Paano Mo Gagamitin Nang Tama ang Pera Mo? Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Bakit kailangan nating gumawa ng budget, at paano natin ito magagawa?
Bakit mahalagang mag-ipon ng pera?
Bakit magandang iwasang mangutang kung hindi naman kailangan?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 20 ¶1-7, at intro sa seksiyon 7