HULYO 14-20
KAWIKAAN 22
Awit Blg. 79 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Mga Prinsipyo Para Mahusay na Mapalaki ang mga Anak
(10 min.)
Ihanda ang mga anak mo sa mga problema na posible nilang maharap (Kaw 22:3; w20.10 27 ¶7)
Sanayin sila mula sa pagkasanggol (Kaw 22:6; w19.12 26 ¶17-19)
Disiplinahin sila sa maibiging paraan (Kaw 22:15; w06 4/1 9 ¶4)
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Kaw 22:29—Paano natin masusunod ang tekstong ito para makatulong tayo sa kongregasyon, at ano ang mga pakinabang? (w21.08 22 ¶11)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Kaw 22:1-19 (th aralin 10)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. (lmd aralin 5: #4)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Ipakita sa kausap mo kung paano maghahanap sa jw.org ng impormasyon na makakatulong sa mga magulang. (lmd aralin 1: #4)
6. Pahayag
(5 min.) ijwyp artikulo 100—Tema: Ano ang Gagawin Ko Kapag Nasuway Ko ang mga Magulang Ko? (th aralin 20)
Awit Blg. 134
7. Matiyaga Pero Hindi Sobrang Maluwag
(15 min.) Pagtalakay.
Kailangan ang tiyaga sa pagpapalaki ng mga anak. Dapat na maglaan ang mga magulang ng sapat na atensiyon sa kanila. At kapag nakikipag-usap sila sa mga anak nila, dapat na relaks sila at hindi nagmamadali. (Deu 6:6, 7) Para malaman ang iniisip ng mga anak nila, dapat na tulungan ng mga magulang na mailabas ng mga ito ang niloloob nila. Pagkatapos, maging handang makinig sa sasabihin ng mga anak. (Kaw 20:5) At kung minsan, baka kailangang ulit-ulitin ng mga magulang ang mga turo nila para maintindihan at masunod ito ng mga anak nila.
Kahit matiyaga ang mga magulang, hindi sila dapat maging sobrang maluwag. Binigyan sila ni Jehova ng awtoridad na magtakda ng mga patakaran at magbigay ng kinakailangang disiplina kapag sumusuway ang mga anak nila.—Kaw 6:20; 23:13.
Basahin ang Efeso 4:31. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Bakit hindi dapat disiplinahin ng mga magulang ang mga anak nila kapag galit sila?
Basahin ang Galacia 6:7. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Bakit mahalagang ituro ng mga magulang sa mga anak nila na kung gagawa ang mga ito ng masasamang bagay, magkakaroon ito ng masasamang resulta?
I-play ang VIDEO na Maging “Matiisin, na Nagpapasensiya sa Isa’t Isa Dahil sa Pag-ibig”—Sa mga Anak. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Ano ang mga aral mula sa video?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb “Liham Mula sa Lupong Tagapamahala,” intro sa seksiyon 1, at aral 1