DISYEMBRE 8-14
ISAIAS 6-8
Awit Blg. 75 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. “Narito Ako! Isugo Mo Ako!”
(10 min.)
Nagboluntaryo agad si Isaias na maging tagapagsalita ng Diyos (Isa 6:8; ip-1 93-94 ¶13-14)
Hindi madali ang atas ni Isaias (Isa 6:9, 10; ip-1 95 ¶15-16)
Marami ang hindi nakinig kay Isaias, at ganoon din ang nangyari sa pangangaral ni Jesus (Mat 13:13-15; ip-1 99 ¶23)
PARA SA PAGBUBULAY-BULAY: Paano ko pa mas mapaglilingkuran si Jehova at ang iba?
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Isa 7:3, 4—Bakit iniligtas ni Jehova ang masamang haring si Ahaz? (w06 12/1 9 ¶4)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Isa 8:1-13 (th aralin 5)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakipag-usap ang isang katotohanan na nasa apendise A ng brosyur na Mahalin ang mga Tao. (lmd aralin 4: #5)
5. Pagdalaw-Muli
(4 min.) BAHAY-BAHAY. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 9: #3)
6. Pagdalaw-Muli
(5 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakita kung paano ginagawa ang pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 9: #5)
Awit Blg. 83
7. Kilalá Tayo sa Pagbabahay-bahay
(15 min.) Pagtalakay.
Kilalá ang mga Saksi ni Jehova sa pagbabahay-bahay bilang pagtulad sa ginawa ni Jesus at ng mga Kristiyano noon.—Luc 10:5; Gaw 5:42.
Dahil sa COVID-19, pansamantalang inihinto ang pangangaral natin sa bahay-bahay. Kaya nagpokus tayo sa iba’t ibang paraan ng pangangaral, gaya ng di-pormal na pakikipag-usap, letter writing, at telephone witnessing. Masaya tayong masubukan ang mga paraang ito! Pero ang pagbabahay-bahay pa rin ang pangunahing paraan natin ng pangangaral. Makakapangaral ka ba sa bahay-bahay nang regular?
Paano makakatulong ang pagbabahay-bahay para magawa ang mga sumusunod?
Makausap ang lahat ng tao sa teritoryo
Humusay sa pagtuturo, at magkaroon ng mga katangiang gaya ng lakas ng loob, di-pagtatangi, at pagiging mapagsakripisyo
Makapagpasimula ng mga Bible study
I-play ang VIDEO na Pangangaral sa Lahat ng Panahon. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Ano ang matututuhan mo sa pagiging mapagsakripisyo ng mga kapatid sa Faroe Islands?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 42-43