Edisyon Para sa Pag-aaral
MAYO 2022
MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: HULYO 4–AGOSTO 7, 2022
© 2021 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na sinusuportahan ng kusang-loob na mga donasyon. Para sa donasyon, magpunta sa donate.jw.org.
Malibang iba ang ipinapakita, ang mga teksto sa Bibliya ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.
LARAWAN SA PABALAT:
Inilalarawan ng Apocalipsis kabanata 21 ang makasagisag na lunsod ng Bagong Jerusalem na “bumababa ng langit mula sa Diyos.” Sa Sanlibong-Taóng Paghahari, magbibigay ito ng napakaraming pagpapala sa masunuring mga tao (Tingnan ang araling artikulo 21, parapo 14-16)