Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb15 p. 24-p. 27 par. 1
  • Ang Pinakamalaking Pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pinakamalaking Pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova
  • 2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Saksi ni Jehova—Ang Organisasyon sa Likod ng Pangalan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Bagong Video sa Pagpapasimula ng Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Mga Programa ng Kombensiyon na ‘Naririnig at Nakikita’
    Saan Napupunta ang Donasyon Mo?
  • “Naiibang Paraan Ito ng Pagtuturo!”
    Gumising!—2016
Iba Pa
2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb15 p. 24-p. 27 par. 1
Larawan sa pahina 24

TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON

Ang Pinakamalaking Pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova

NOONG Oktubre 5, 2013, araw ng Sabado, 257,294 mula sa 21 lupain ang dumalo​—nang personal o sa pamamagitan ng live Webcast​—sa ika-129 na taunang miting ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. Nang linggo ring iyon, pinanood naman ng iba pang grupo ng mga Saksi ang replay ng programa. Lahat-lahat, ang dumalo ay 1,413,676 mula sa 31 lupain​—ang pinakamalaking pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova.

Mula 1922, nakapagbrodkast na ang mga Saksi ni Jehova ng mga kombensiyon sa iba’t ibang bansa gamit ang mga linya ng telepono at mga istasyon ng radyo. Sa ngayon, dahil sa Internet, naririnig na at napapanood kahit sa mga liblib na lugar ang mga kaganapan habang nangyayari ito o pagkatapos na pagkatapos nito.

Mahigit isang taóng binuo ng mga miyembro ng ilang tanggapang pansangay ang Webcast. Noong dulo ng sanlinggong iyon na ginamit ang Webcast, 24 na oras na sinubaybayan ng mga teknisyan ang programa mula sa control center sa Brooklyn, New York habang ipinalalabas ito sa mga lugar sa 15 time zone.

Maikling Impormasyon​—Mga Lugar na May Webcast

  • Pangunahin: Jersey City Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, New Jersey, E.U.A. Dumalo: 4,732

  • Pinakamalaki: Perth, Australia Dumalo: 7,186

  • Pinakahilaga: Fairbanks, Alaska, E.U.A.Dumalo: 255

  • Pinakatimog: Invercargill, New Zealand Dumalo: 190

  • Pinakamalayo: Perth, Australia, na mga 18,700 kilometro mula Jersey City

Kung Paano Gumagana ang Webcast

  1. Kinukunan ang programa gamit ang ilang video camera.

  2. Ipinadadala sa switcher ang mga kuha, at pipili ng pinakamaganda.

  3. Saka ipadadala sa isang computer sa control center ang napiling video.

  4. Gagawa ng low-, medium-, at high-resolution na mga video stream ng nagaganap na programa.

  5. Hahatiin sa tigsasampung-segundong segment ang mga video stream.

  6. Sa pamamagitan ng isang network ng mga Web server, magiging available sa Internet ang mga segment.

  7. Ida-download ng isang device na nasa bawat destinasyon ang mga segment mula sa Web server at ilalagay ang mga ito sa isang holding area, o buffer. Pagkatapos, pagdurugtung-dugtungin ulit ng device ang nai-download na mga segment para makagawa ng tuloy-tuloy na video stream.

  8. Mapapanood na at maririnig ang programa.

Diyagram sa pahina 26, 27
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share