LUCAS
Mga Study Note—Kabanata 19
Zaqueo: Mula sa pangalang Hebreo at posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “malinis; dalisay.” Lumilitaw na si Zaqueo ang pinuno ng mga maniningil ng buwis sa Jerico at sa palibot nito. Mataba ang lupa at sagana ang ani sa distritong malapit sa lunsod na ito, kaya malaki ang nakokolektang buwis. Mayaman si Zaqueo, at makikita sa mga sinabi niya (Luc 19:8) na kuwestiyunable ang pinagmulan ng ilang bahagi ng yaman niya.
apat na beses: Malamang na kayang kalkulahin ni Zaqueo mula sa rekord niya kung magkano ang nakolekta niyang buwis sa mga Judio, at nangako siya na ibabalik niya ito nang apat na beses. Di-hamak na mas malaki iyon kaysa sa hinihiling ng Kautusan ng Diyos. Kapag nagsisisi ang isang mandaraya at umamin sa kasalanan, hinihiling ng Kautusan na ibalik niya ang buong halaga ng kinikil niya at “magdaragdag pa siya ng sangkalima [o, 20 porsiyento]” nito. Pero sinabi ni Zaqueo na ibabalik niya ito nang apat na beses. Dahil talagang nagsisisi siya, nagpakita siya ng pag-ibig sa mahihirap at katarungan sa mga naaapi.—Lev 6:2-5; Bil 5:7.
kinikil ko: O “kinikil ko sa pamamagitan ng di-totoong akusasyon.”—Tingnan ang study note sa Luc 3:14.
ilustrasyon: O “talinghaga.”—Tingnan ang study note sa Mat 13:3.
para makakuha ng kapangyarihan bilang hari: O “para makakuha ng kaharian.” Ang salitang Griego na ba·si·leiʹa, na madalas isaling “kaharian,” ay may malawak na kahulugan at karaniwan nang tumutukoy sa pamahalaan, pati na sa teritoryo at mga taong pinamamahalaan, ng isang hari. (Tingnan ang study note sa Mat 3:2; 25:34.) Puwede rin itong tumukoy sa posisyon bilang hari, pati na sa kasama nitong karangalan, kapangyarihan, at awtoridad. Sa Imperyo ng Roma, karaniwan sa isang maharlika na magpunta sa Roma para makakuha ng kapangyarihan bilang hari. Nang marinig ng mga tao ang talinghaga ni Jesus, malamang na naalala nila si Arquelao na anak ni Herodes na Dakila. Bago mamatay si Herodes na Dakila, itinalaga niya si Arquelao bilang kasunod na tagapamahala sa Judea at sa iba pang lugar. Pero para mapagtibay ang awtoridad na ibinigay sa kaniya, kailangan munang magpunta ni Arquelao sa malayong lupain ng Roma para makuha ang pagsang-ayon ni Cesar Augusto.
mina: Ang Griegong mina ay hindi barya kundi yunit ng timbang na mga 340 g, at ayon sa mga manunulat na Griego noon, katumbas ito ng mga 100 drakma. Halos isang denario ang halaga ng isang drakma, kaya malaki-laking halaga rin ang isang mina. (Tingnan sa Glosari, “Denario.”) Magkaiba ang Griegong mina at Hebreong mina.—Tingnan sa Glosari at Ap. B14.
kapangyarihan bilang hari: O “kaharian.”—Tingnan ang study note sa Luc 19:12.
pera: Tingnan ang study note sa Mat 25:18.
bangko: Sa talinghaga ng mga mina sa Ebanghelyo ni Lucas at sa ilustrasyon ng mga talento sa Ebanghelyo ni Mateo, parehong binanggit ni Jesus ang mga bangko na nagbibigay ng interes sa perang idinedeposito sa mga ito. (Mat 25:14-30; Luc 19:12-27) Ang salitang Griego na traʹpe·za, isinalin ditong “bangko,” ay literal na nangangahulugang “mesa.” (Mat 15:27) Kapag iniuugnay ito sa pananalapi, tumutukoy ito sa isang mesa na ginagamit ng mga tagapagpalit ng pera. (Mat 21:12; Mar 11:15; Ju 2:15) Noong unang siglo C.E., maraming nagpapautang, o mga bangko, sa Israel at sa nakapalibot na mga bansa.
pera: Tingnan ang study note sa Mat 25:18.
interes: Pinagbabawalan ng Kautusan ang mga Israelita na magpautang nang may interes sa mahihirap na Judio. (Exo 22:25) Pero puwedeng magpatong ng interes sa utang ng mga dayuhan, na malamang na gagamitin ng mga ito para sa negosyo. (Deu 23:20) Noong panahon ni Jesus, lumilitaw na karaniwang nakakakuha ng interes sa perang idineposito sa mga nagpapautang.
—: Hindi binanggit sa teksto na iba na ang nagsasalita sa sumunod na talata, kaya ginamitan ito ng gatlang. Sa talata 26, ang panginoon na ng mga alipin ang nagsasalita.
Betfage: Tingnan ang study note sa Mat 21:1.
Betania: Tingnan ang study note sa Mat 21:17.
bisiro: Tingnan ang study note sa Mat 21:2; Mar 11:2.
Jehova: Sa pagsiping ito sa Aw 118:26, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo.—Tingnan ang Ap. C.
ang mga bato ang sisigaw: Ipinapakita sa konteksto na ang tinutukoy ni Jesus ay ang isinisigaw ng mga alagad niya na hindi nagustuhan ng mga Pariseo. (Luc 19:37-39) Isinisigaw ng mga alagad ang nasa Aw 118:26. Ang awit na iyan ay isa ring hula na siguradong matutupad sa pagkakataong iyon, dahil hindi babalik kay Jehova ang mga salita niya “nang walang resulta.” (Isa 55:11) Kung nanahimik ang mga alagad noon, ang mga bato ang sisigaw para matupad ang hulang ito.
iniyakan: Ang salitang Griego para sa “iniyakan” ay madalas na tumutukoy sa pag-iyak nang malakas.
kutang may matutulis na tulos: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito lang lumitaw ang salitang Griego na khaʹrax. Tumutukoy ito sa isang “tulos; matulis na patpat o poste na ginagamit na pambakod” at sa “bakod na ginagawa ng mga sundalo gamit ang mga tulos.” Natupad ang sinabi ni Jesus noong 70 C.E., nang ang mga Romano, sa pangunguna ni Tito, ay magtayo ng pader, o bakod, sa palibot ng Jerusalem. Tatlong bagay ang gustong mangyari ni Tito—hindi makatakas ang mga Judio, pasukuin sila, at gutumin sila hanggang sa mapilitan silang sumuko. Para makakuha ng materyal na gagamitin sa paggawa ng bakod, kinalbo ng mga sundalong Romano ang kagubatan malapit sa Jerusalem.
wala silang ititira sa iyo na magkapatong na bato: Tingnan ang study note sa Mat 24:2.
panahon ng pagsisiyasat sa iyo: O “itinakdang panahon ng pagsisiyasat sa iyo.” Ang salitang Griego na e·pi·sko·peʹ (pagsisiyasat; pagdalaw) ay kaugnay ng mga salitang e·piʹsko·pos (tagapangasiwa) at e·pi·sko·peʹo (bantayan; tingnang mabuti) at puwedeng magkaroon ng positibo o negatibong kahulugan. Para sa di-tapat na mga Judio na hindi nagbigay-pansin sa panahon ng pagsisiyasat noong panahon ng ministeryo ni Jesus, tatanggap sila ng mabigat na hatol mula sa Diyos. Pero ang mga nagbigay-pansin sa panahon ng pagsisiyasat at nagsisi at nanampalataya sa Diyos ay tatanggap ng pagsang-ayon niya. Ito rin ang salitang Griego na ginamit ng Septuagint sa Isa 10:3 at Jer 10:15 sa ekspresyong Hebreo para sa “araw ng pagtutuos (paghatol; parusa).”
templo: Tingnan ang study note sa Mat 21:12.
pinalayas ang mga nagtitinda: Noong Nisan 10, 33 C.E., nilinis ni Jesus ang templo sa ikalawang pagkakataon. Ang pangyayaring ito ay iniulat sa Ebanghelyo nina Mateo (21:12-17), Marcos (11:15-18), at Lucas. Nangyari ang unang paglilinis noong Paskuwa ng 30 C.E., at nakaulat ito sa Ju 2:13-17.
pugad ng mga magnanakaw: Tingnan ang study note sa Mat 21:13.