Isang Romanong Senturyon, o Opisyal ng Hukbo, na Nakabihis Para sa Digmaan
Ang posisyon ng senturyon ang pinakamataas na ranggo na puwedeng maabot ng isang karaniwang sundalo. Ineensayo niya ang mga sundalo; iniinspeksiyon ang mga sandata nila, suplay, at pagkain; at dinidisiplina sila. Nakadepende nang malaki sa mga senturyon ang pagiging handa at mahusay ng hukbong Romano. Karaniwan na, sila ang pinakamakaranasan at pinakamahalagang sundalo sa hukbong Romano. Kaya talagang kahanga-hanga ang kapakumbabaan at pananampalataya ng senturyong lumapit kay Jesus.
Kaugnay na (mga) Teksto: