Karaniwang Bahay na May Patag na Bubong
Maraming nagagawa noon sa bubong ng bahay. Puwedeng tipunin dito ng ama ang pamilya niya para mag-usap tungkol kay Jehova. Halimbawa, kapag Kapistahan ng Pagtitipon ng Ani, nagtatayo sila ng kubol dito. (Lev 23:41, 42; Deu 16:13-15) Dito rin ginagawa ang ilang gawain gaya ng pagbibilad ng tangkay ng lino. (Jos 2:6) Puwede ring matulog dito. (1Sa 9:25, 26) Anumang ginagawa sa bubong ay madaling makita ng iba. (2Sa 16:22) At ang iniaanunsiyo mula sa bubong ay naririnig agad ng mga kapitbahay at ng mga dumaraan.
Kaugnay na (mga) Teksto: