Paghahasik ng Binhi
Noong panahon ng Bibliya, iba-iba ang paraan ng paghahasik ng binhi. Ang mga naghahasik ay puwedeng magdala ng isang supot ng binhi na nakatali sa balikat at baywang; ang iba naman ay naglalagay ng binhi sa bulsa ng damit. Pagkatapos, isasaboy nila ang binhi. Dahil may matitigas na lupa na dinadaanan ng tao, kailangang tiyakin ng naghahasik na mapupunta ang binhi sa matabang lupa. Agad na tinatabunan ang binhi para hindi tukain ng ibon.
Kaugnay na (mga) Teksto: