Isda at Tinapay
Kasama sa mga isdang matatagpuan sa Israel ang bream, karpa, perch, at tilapia. Karaniwan nang iniihaw o dinadaing ang mga isda noon. Ang mga tinapay naman ay araw-araw na ginagawa gamit ang bagong-giling na harinang trigo o sebada. Karaniwan nang hindi nilalagyan ng pampaalsa ang mga tinapay (sa Hebreo, mats·tsahʹ). Paghahaluin lang ang harina at tubig at saka mamasahin.
Kaugnay na (mga) Teksto: