Kamelyo
Noong panahon ni Jesus, ang kamelyo ay isa sa pinakamalalaking hayop na inaalagaan sa rehiyon. Ang Arabian camel (Camelus dromedarius), na sinasabing ang karaniwang tinutukoy sa Bibliya, ay may isang umbok lang sa likod. Ang unang pagbanggit sa kamelyo sa Bibliya ay noong pansamantalang nanirahan si Abraham sa Ehipto, kung saan siya nagkaroon ng ganitong mga hayop na pantrabaho.—Gen 12:16.
Kaugnay na (mga) Teksto: