Gilingang Pangkamay
Karaniwan nang dalawang babae ang kailangang magtulungan sa paggamit ng gilingang pangkamay, na isa sa mga gilingang ginagamit noong panahon ng Bibliya. (Luc 17:35) Magkaharap sila at hinahawakan ng tig-isang kamay nila ang hawakan ng gilingan para ikutin ang pang-ibabaw na bato. Isa sa mga babae ang unti-unting naglalagay ng butil sa butas ng pang-ibabaw na bato, at ang harinang lumalabas sa bibig ng gilingan at nahuhulog sa bandehado o sa tela kung saan nakapatong ang gilingan ay tinitipon naman ng isa pa. Araw-araw na naggigiling ang mga babae. Maaga silang bumabangon para gumawa ng harina na gagawing tinapay para sa araw na iyon.
Kaugnay na (mga) Teksto: