Sinagoga sa Capernaum
Ang puting pader na gawa sa batong-apog sa larawang ito ay bahagi ng sinagoga na itinayo sa pagitan ng dulo ng ikalawang siglo at ng mga unang taon ng ikalimang siglo C.E. Ang itim na basaltong nasa ilalim ng batong-apog ay pinaniniwalaan ng ilan na bahagi ng isang sinagoga noong unang siglo. Kung totoo iyan, posibleng isa ito sa mga lugar kung saan nagturo si Jesus at nagpalayas ng demonyo mula sa isang lalaki na binanggit sa Mar 1:23-27 at Luc 4:33-36.
Kaugnay na (mga) Teksto: