Lapád na Kahoy na Pinagsusulatan
Nang isulat ni Zacarias sa wikang Hebreo ang pananalitang “Juan ang pangalan niya,” malamang na gumamit siya ng lapád na kahoy na gaya ng makikita sa larawan. Ang gayong mga sulatán ay daan-daang taóng ginamit sa sinaunang Gitnang Silangan. Ang nakalubog na bahagi ng sulatang ito ay may manipis na wax. Dito nagsusulat gamit ang panulat na gawa sa bakal, bronse, o garing. Ang karaniwang panulat ay matulis sa isang dulo at malapad naman sa kabila. Ang malapad na dulo ay ginagamit na pambura. Minsan, pinagkakabit ang dalawa o tatlong sulatán gamit ang panaling katad. Ginagamit ito ng mga negosyante, iskolar, estudyante, at maniningil ng buwis para sa pansamantalang mga rekord. Ang mga sulatán na makikita sa larawan ay mula pa noong ikalawa o ikatlong siglo C.E. at natagpuan sa Ehipto.
Credit Line:
© Trustees of the British Museum. Licensed under CC BY-NC-SA 4.0 (http://creativecommons.org/licenses/by/4.0/). Source: http://www.britishmuseum.org/research/collection_online/collection_object_details/collection_image_gallery.aspx?partid=1&assetid=1129969001&objectid=AN422058001
Kaugnay na (mga) Teksto: