Si Jesus sa Sabsaban
Ang salitang Griego para sa “sabsaban” sa Luc 2:7 ay phatʹne, na nangangahulugang “pakainan.” Sa Palestina, ang mga arkeologo ay nakatagpo ng malalaking labangan na inuka sa isang buong batong-apog at mga 0.9 m (3 ft) ang haba, 0.5 m (1.5 ft) ang lapad, at 0.6 m (2 ft) ang lalim. Ipinapalagay na sabsaban ang mga ito. Pero posible ring ang mga sabsaban noon ay katulad ng mga sabsaban sa mas modernong panahon, na inuka sa mga batong pader ng kuweba na pinagkukulungan ng mga hayop.
Credit Line:
© www.BibleLandPictures.com/Alamy
Kaugnay na (mga) Teksto: