Batubato at Kalapati
Sa Kautusang Mosaiko, kapag nanganak ang isang babae, kailangan niyang maghandog ng batang lalaking tupa bilang handog na sinusunog at isang inakáy ng kalapati o isang batubato bilang handog para sa kasalanan. Kung walang kakayahan ang pamilya na maghandog ng batang lalaking tupa, gaya ng maliwanag na kalagayan nina Maria at Jose, puwede silang maghandog ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati. (Lev 12:6-8) Ang batubato (Streptopelia turtur) na makikita sa larawan (1) ay matatagpuan hindi lang sa Israel kundi pati sa Europa, Hilagang Aprika, at kanlurang Asia. Tuwing Oktubre, nandarayuhan ang mga ibong ito sa mas maiinit na bansa sa timog at bumabalik sa Israel kapag tagsibol. Ang isa pang ibon sa larawan (2) ay ang rock pigeon (Columba livia). Makikita ang ganitong uri sa buong mundo. Karaniwan nang hindi nandarayuhan ang mga ito.
Credit Line:
Eyal Bartov; © blickwinkel/Alamy Stock Photo
Kaugnay na (mga) Teksto: