Tiberio Cesar
Ipinanganak si Tiberio noong 42 B.C.E. Noong 14 C.E., naging ikalawang emperador siya ng Roma. Namatay si Tiberio noong Marso 37 C.E. Siya ang emperador sa buong panahon ng ministeryo ni Jesus, kaya si Tiberio ang Cesar na tinutukoy ni Jesus nang sabihin niya tungkol sa baryang pambayad ng buwis: “Ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar.”—Mar 12:14-17; Mat 22:17-21; Luc 20:22-25.
Credit Line:
Roma, Museo della Civiltà Romana - Archivio Fotografico, Museo della Civiltà Romana; Todd Bolen/BiblePlaces.com
Kaugnay na (mga) Teksto: