Ang Mahabang Balumbon ng Isaias
Makikita rito ang isang bahagi ng Dead Sea Scroll ng Isaias (1QIsa) na pinaniniwalaang mula pa noong 125 hanggang 100 B.C.E. Natagpuan ito noong 1947 sa isang kuweba sa Qumran, malapit sa Dagat na Patay. Malinaw na makikita sa larawan ang Isaias 61:1, 2, ang binasa ni Jesus nang pumunta siya sa sinagoga sa Nazaret. Ang mga piraso na bumubuo sa balumbong ito ay tinahi ng sinulid na lino at pinagsama-sama. Ang balumbon ay binubuo ng 17 piraso ng pergamino na mga 26.4 cm (10.3 in) ang taas at may magkakaibang lapad, mula mga 25.2 cm (halos 10 in) hanggang mga 62.8 cm (mga 25 in). Ang iniingatang balumbon ay may habang 7.3 m (24 ft) sa ngayon. Malamang na ganito ang balumbon na binuksan ni Jesus kung saan niya nahanap ang makahulang pananalita tungkol sa Mesiyas. (Luc 4:17) Binilugan sa larawan ang tatlong paglitaw ng Tetragrammaton sa tekstong ito.
Credit Line:
Shrine of the Book, Photo © The Israel Museum, Jerusalem, by Ardon Bar-Hama
Kaugnay na (mga) Teksto: