Tupi sa Bandang Itaas ng Damit
Ang panlabas na kasuotan ng mga Israelita noong panahon ng Bibliya ay maluwag sa bandang dibdib. Susuotan nila ito ng sinturon at hahatakin ang damit sa bandang itaas ng sinturon para makagawa ng tupi. Ang tupi na ito ay puwedeng paglagyan ng butil, pera, o ng iba pang bagay. Puwede rin itong ipambuhat ng sanggol o ng batang tupa. (Exo 4:6, 7; Bil 11:12; 2Ha 4:39; Job 31:33; Isa 40:11) Ang salitang Griego na ginamit sa Luc 6:38 ay literal na nangangahulugang “dibdib,” pero isinalin itong “tupi” sa talatang ito, batay sa konteksto. Ang ‘pagbubuhos sa tupi ng damit’ ay posibleng tumutukoy sa karaniwang ginagawa ng mga nagtitinda—ibinubuhos nila sa tupi sa bandang itaas ng damit ng bumibili ang mga napamili niya.
Kaugnay na (mga) Teksto: